-- Advertisements --
image 177

Ipinagpatuloy parin ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pangangampanya sa kabila ng pag evacuate nito dahil sa “smoke bomb” blast.

Nasa isang siyudad si Kishida upang magbigay ng mensahe kaugnay ng kanyang suporta sa isang partido ng mangyari ang nasabing insidente.

Ilang segundo lamang ang makalipas ay mayroong narinig na pagsabog at napuno ng usok ang lugar.

Agad namang inaresto ang hinihinalang 24 anyos na lalaki mula sa Hyogo region.

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng nangyaring pagpasabog.

Kung matatandaan, wala pang isang taon ang nakakalipas matapos ang pagpatay kay dating Prime Minister Shinzo Abe na nagdulot ng takot sa bansa at naging dahilan ng mas mahigpit na seguridad para sa mga public officials.