-- Advertisements --
Binisita ni Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako ang Pacific island na Iwo Jima.
Ang nasabing makasaysayang pagbisita ay kasabay ng ika-80 anibersaryo ng pagtatapos ng World War 2.
Ang Japanese Island ay may layong 1,250 kilometro ng timog bahagi ng Tokyo.
Ito ang lugar kung saan naganap ang limang linggong labanan sa pagitan ng US at Japan noong 1945.
Sa nasabing labanan ay halos 21,000 na mga sundalo ang nasawi sa panig ng Japan habang sa panig ng US ay mahigit 6,800 at mahigit 19,000 ang sugatan.
Nag-alay ng bulaklak ang royal couple at ritwal na nagbuhos ng tubig sa memorial para sa nasawi sa giyera.