-- Advertisements --

Kinampihan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe si US President Donald Trump matapos na walang nangyaring kasunduan sa ikalawang summit nila ni North Korea lider Kim Jong Un.

Sinabi ni Abe na nararapat lamang gumawa ng konkretong hakbang ang North Korea para tuluyang matanggal na ang nuclear weapons.

Dagdag pa nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa US para sa pagresolba ng mga isyu gaya ng mga nuclear at missile issues.

Mula pa noong una aniya ay duda na ang Japan na mapapasunod si Kim na isuko ang kaniyang nuclear weapon.