-- Advertisements --
Sinuspendi ng Japan ang paggamit ng nasa 1.63 milyon doses ng Moderna COVID-19 vaccine dahil sa contamination.
Sinabi ng kanilang health minister na mayroong “foreign materials” ang nakita sa 560,000 vials ng nasabing bakuna.
Dahil dito ay itinigil muna ng Takeda Pharmaceutical ang paglabas ng nasabing mga bakuna.
Paliwanag naman ng Moderna na walang anumang epekto sa efficacy at safety ng nasabing nakitang kakaibang bagay sa mga bakuna.
Nagsasagawa na rin nang pagsisiyasat ang health minister ng Japan at Moderna kung paano na-contaminate ang mga bakuna.