-- Advertisements --
Sisimulan ng Japan sa Hunyo 30 ang clinical test ng potential vaccine laban sa COVID-19.
Sinabi ni Osaka Governor Hirofumi Yoshimura na ang nasabing bakuna ay gawa ng medical startup Anges Inc.
Itinuturing nito na ito ang kauna-unahang clinical test sa tao na gagawin sa Japan.
Handa aniya sila na gumawa ng DNA vaccine para sa 200,000 katao sa katapusan ng taon.
Naging ligtas at matagumpay na rin ang ginawa nilang animal testing ng nasabing bakuna na isinagawa noong nakaraang buwan.
Base sa talaan ng World Health Organization (WHO) na mayroon ng 125 na bakuna sa buong mundo ang kasalukuyang ginagawa kabilang nag 10 human testing.