Hindi ikinokonsidera ng gobyerno ng Japan ang agarang pagbabago sa ipinapatupad na COVID-19 restrictions.
Kasunod ito ng pagkakadiskubre ng community transmission ng Omicron coronavirus variant.
Tatlong miyembro ng isang pamilya mula sa Osaka ang dinapuan ng Omicron kung saan nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad.
Isang babae naman sa Kyoto ang nagpositibo sa Omicron variant ang iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ng mga nakasalamuha nito.
Sinabi ni Japanese Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na kanilang pinalawig ang pagsasagawa ng COVID-19 testing kahit sa mga taong walang sintomas ng COVID-19 para agad na mapigilan ang Omicron variant ng COVID-19.
Binalaan naman ni top health advisor ng Japan na Shigeru Omi ang mga mamamayan na mag-ingat sa pagbiyahe at pakikipagsalamuha sa ibang mga tao lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.