-- Advertisements --
Pumanaw na ang Japanese actress at TV host Kumiko Okae matapos dapuan ng coronavirus sa edad 63.
Ayon sa kampo nito, hindi na niya nakayanan ang pneumonia na dulot ng coronavirus at binawian ng buhay sa Tokyo hospital.
Namalagi pa ito ng ilang araw sa pagamutan bago tuluyang pumanaw.
Noong nakaraang taon ay sumailalim na siya ng operasyon dahil sa breast cancer.
Sumailalim na rin ito sa radiation treatment noong Enero.
Maraming mga TV shows at pelikula na rin ang pinagbidahan ng actress sa Japan.