-- Advertisements --

Natagpuang patay ang Japanese actress na si Miho Nakayama sa edad na 54.

Ayon sa mga otoridad, nakita ang bangkay nito sa kaniyang bahay sa Tokyo.

Hindi kasi ito pumasok sa kaniyang trabaho kay tinungo nila ito sa kaniyang bahay at doon tumambad ang bangkay nito.

Sumikat siya una sa pagiging singer mula 1980 hanggang 1990 sa kasagsagan ng J-pop influence.

Mas lalo pa itong nakilala sa pelikulang “Love Letter” noong 1995.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng kamatayan ng actress.