-- Advertisements --
Natagpuang patay sa kaniyang bahay ang Japanese actress na si Yuko Takeuchi sa edad 40.
Ayon sa mga otoridad, nadiskubre ng kaniyang asawang si Taiki Nakabayashi ang biktima sa kanilang bahay sa Shibuya Ward.
Nakilala si Takeuchi dahil sa paglabas sa ilang mga pelikula at TV series sa kaniyang buong career.
Gumanap ito bilang babaeng Sherlock Holmes noong 2018 HBO series na Miss Sherlock na ipinalabas sa ilang bansa.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Japan sa nasabing insidente.