Nagdiwang ang mga residente ng Japan dahil sa paghakot ng award ng samurai series na “Shogun” sa katatapos na Emmy awards.
Sa katatapos kasi na awarding ceremony ay humakot ito ng 18 Emmy para sa kanilang unang season.
Kabilang sa mga award na nahakot ay ang Outstanding Drama Series, habang ang bida at co-producer na si Hiroyuki Sanada ay naging unang Japanese actor na nagwagi ng Emmy para sa Best Lead Actor.
Ang co-star nito na si Anna Sawai ay nagwagi bilang best actress sa dramatic series na siyang unang award para sa Japan.
Si Sanada ay nakasama na rin sa ilang Hollywood films gaya ng “The Last Samurai” noong 2003 at “The 47 Ronin” na pinagbibidahan ni Keanu Reeves noong 2013.
Sa kaniyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Samada ang mga fans at mga nakasama nito sa nasabing pelikula.