-- Advertisements --

Pormal nang nagretiro si Ichiro Suzuki sa paglalaro ng baseball sa edad na 45.

Isinabay nito ang pagreretiro sa laro ng kaniyang koponan na Seattle Mariners kontra Oakland A’s.

Matapos ang laro ay itinaas nito ang kaniyang sombrero hudyat na ito ay magreretiro na.

Si Ichiro ay naging 10-time MLB all-star at Gold Glove winner.

Nagsimula ang kaniyang career noong taong 1992 bilang professional player ng Nippon Baseball league.

Naglaro na rin ito sa iba’t ibang team ng MLB gaya ng Mariners, Yankees at Marlins bago bumalik sa Seattle.

Iginugol niya ang kaniyang MLB career sa loob ng 12 taon.

Itinuturing si Ichiro bilang “greatest hitter” nang makapagtala ng .353 batting average sa kaniyang buong MLB career.