-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus si Japanese WBA light flyweight super champion Hiroto Kyoguchi.

Kinumpirma ito ng kaniyang koponan kaya isang araw bago ang nakatakdang laban nito.

Makakaharap sana ni Kyoguchi si Thanongsak Simsri ng Thailand sa Nobyembre 3 sa Osaka, Japan.

Dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng Japanese boxer ay tuluyan ng kinansela ang nasabing laban.

Wala umanong nakita ang kampo nito na anumang sintomas sa 26-anyos na boksingero.

Tiniyak naman ng kampo nito na kanilang aayusin muli ang bagong petsa ng laban para matuloy na ang nasabing laban.