-- Advertisements --

Kampante si Japanese boxer Naoya Inoue na kakayanin niyang patumbahin ang pambato ng Pilipinas na si Marlon Tapales.

Nakatakda ang laban ng dalawa bukas, Dec 26, 2023.

Haharapin ng undefeated Japanese boxer ang WBA at IBF super bantamweight champion na si Tapales sa Ariake Arena sa Tokyo para sa isang unification match.

Makukuha ng mananalo rito ang undisputed super bantamweight world title.

Ayon kay Inoue, magiging historic ang naturang laban at magsisilbing isa sa pinakamalaking achievement.

Pero giit naman ng kampo ni Tapales, nakahanda ang boksingerong Pinoy na harapin ang hindi pa natatalong Japanese boxer.

Sa kasalukuyan ay hawak ni Inoue ang record na 25 wins at wala pang pagkatalo. Mula sa 25 wins/fights na ito, 22 ang kaniyang naipanalo bilang knockout.

Hawak naman ni Tapales ang 37 – 3 na record. Mula sa 37 wins, 19 dito ay pawang mga knockout.