Nakatakdang lumaban sa buwan ng Disyembre si Japanese undisputed super-bantamweight world champion Naoya Inoue.
Ayon sa kampo nito na makakaharap niya si Australian boxer Sam Goodman sa Tokyo sa darating na Disyembre 25.
Ang nasabing laban sa Ariake Arena ay siyang pangatlong laban ng Inoue ngayong taon.
Maaring ito na rin ang huling laban niya sa Japan dahil sa nakatakda itong lumaban sa Las Vegas sa susunod na taon.
Ang 31-anyos na si Inoue ay mayroong 28 panalo at wala pang talo na mayroong 25 knockouts.
Huling laban nito ay ng talunin si TJ Doheny ng Ireland noong nakaraang buwan.
Habang ang 19-anyos na si Goodman ay mayroong record na 19 panalo at wala pang talo na mayroong walong knockouts.
Ito na rin ang pangatlong pagkakataon na idepensa ni Inoue ang kaniyang super-bantamweight title mula ng maging undisputed champion noong Disyembre ng nakaraang taon.
Siya rin ang pangalawang tao na naging undisputed world champion sa dalawang magkaibang weights mula ng magsimula ang four-belt era noong 2004 na ang una ay si Terence Crawford ng US.