-- Advertisements --

Nakatakdang muling lumaban sa US si Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue.

Idedepensa nito ang kaniyang undisputed super bantamweight title laban kay Ramon Cardenas sa darating na Mayo 4 sa Las Vegas.

Si Inoue ay mayroong record na 29 panalo at wala pang talo na mayroong 26 knockouts kung saan ginanap ang huling walong laban niya sa Japan.

Kasalukuyang hawak niya ang WBC, WBA, WBO at IBF 122-pound titles.

Siya rin ang pangalawang pound-for-pound boxer sa buong mundo mula sa The Ring.

Habang si Cardenas ay mayroong 26 panalo at isang talo na mayroong 14 knockouts.

Ang laban niya kay Inoue ay siyang unang pagtatangka sa world championship.