-- Advertisements --

Napanatili ni Japanese boxing star Naoya Inoue ang pagiging undisputed super bantamweight title matapos na patumbahin si Ye Joon Kim sa ikaapat na round.

Sa simula ng laban na ginanap sa Ariake Arena sa Tokyo , Japan ay naging agresibo si Inoue kung saan agad na pinaulanan ng mga suntok si Kim.

Si Kim kasi ay ipinalit kay Sam Goodman na umatras sa laban sa ikalawang pagkakataon ilang linggo bago ang laban.

Unang itinakda noong Disyembre 24 ang laban ni Inoue kay Goodman subalit ito ay umatras hanggang 11-araw bago ang laban ay umatras ulit kaya ipinalit na si Kim.

Nakita ni Inoue na hindi banta sa kaniya si Kim kaya itinuon nito ang mga suntok sa katawan.

Sa huling segundo ng round 3 ay naramdaman na ni Kim ang mga suntok ni Inoue sa tiyan na siyang nagresulta sa pagkakatumba nito pagpasok pa lamang ng ika-apat na round.

Sinabi ng kaniyang promoter na si Bob Arum na lalaban si Inoue sa Las Vegas at sa Saudi Arabia sa mga susunod na buwan.

Ilan sa mga nakalinyang makakalaban nito ay sina Alan Picasso at Murodjon Akhmadaliev ang number 1 contenders ng WBC at WBA.

Mayroong 29 panalo wala pang talo at 26 knockouts si Inoue habang si Kim ay mayroon ng 21 panalo, apat na talo, dalawang draw at 13 knockouts.