-- Advertisements --

Nangangailangan ng mahgit 1,400 na mga dagdag na empleyado ang apat na Japanese companies na matatagpuan First Philippine Industrial Park (FPIP) economic zone sa Batangas.

Karamihan aniya na mga kumpanya ay mula sa Japan na nagtayo ng mga planta at opisina sa bansa.

Sinabi naman ni Santo Tomas, Batangas Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan, na ang nasabing mga kumpanya ay siyang magbibigay ng kaunlaran sa kanilang bayan.

Umaasa ito na mas maraming mga dayuhang kumpanya pa ang mamumuhunan sa kanilang bayan.