GENERAL SANTOS CITY – Interesado ang mga Japanese investors na maglagay ng negosyo sa Information Technology sa General Santos.
Ito ang sinabi ni Venerando Claudio ng Gensan Chamber of Commerce and Industry ng kinausap si Japanese Consul General Yoshiaki Miwa nang binisita ang lungsod kahapon.
Ayon kay Claudio napag-usapan ang mga economic development sa lungsod, inihayag din ng consul general ang kahandaan sa pag sponsor ng webinar sa mga kompanya sa Japan na gustong maglagak ng negosyo sa Information Technology at Business process outsourcing kasama ang mga negosyante nitong lungsod.
Sinabi din na magkaroon muna ng manpower matching matapos nalaman na marami ang nagtrabaho dito sa lungsod sa Information technology.
Nakipagkita din ito kay Gensan Mayor Ronnel Rivera at mga opisyal at pagkatapos binisita ang mga Japanese bunker na giganamit nuon ng mga Hapon nuong World War 2.
Dagdag ni Claudio na kinausap din ng Consul General ang mga Opisyal ng Mindanapo State University para magtatag ng fisheries program dito.