-- Advertisements --

Dumating sa bansa ngayong araw ang barko ng Japan Maritime Self-Defense Force ang JS SETOGIRI (DD-156) para sa isang araw na goodwill visit.

Ang nasabing Japanese destroyer ay isang Asagiri-class (General Type)Destroyer na may isang helicopter at mayroong 200 officers at crew na onboard sa nasabing barko.

Ito na ang ika-apat na pagbisita ng mga barko ng JMSDF sa bansa ngayong taon.

Unang bumisita sa bansa ang JS AMAGIRI nuong buwan ng Pebrero habang ang dalawang iba pa ang JS AKIZUKI at JS OSUMI ay nuong buwan ng Abril.

Sumalubong sa pag welcome sa mga crew ng JS SETOGIRI ay si Philippine Navy, Captain Joselo A.Tuballa PN (MNSA).

Nakatakda namang mag courtesy call si Captain Susumi Moriyama, Commander of Escort Division Sevenand Commander TokeshiTonegawa, Commanding Officer of JS Setogiri kay Vice Adm. Robert A. Empedrad.

Bilang bahagi ng port visit, magkakaroon ng mga serye ng aktibidad ang mga Japanese navy at ang kanilang mga Filipino counterpart gaya ng confidence building activities gaya ng goodwill games na susundan ng boodle fight.

Bukas, March 26, nakatakda namang umalis ng bansa ang Japanese destroyer.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson, Lt. Cmdr. Lued Lincuna na layon ng pagbisita ng Japanese destroyer na palakasin ang relasyon ng dalawang navies para mapalakas pa ang maritime cooperation ng dalawang bansa sa pamamagitan ng naval diplomacy at camaraderie.