-- Advertisements --

Nanganganib na hindi makapaglaro sa Winter Games sa darating na Pebrero sa Beijing si Japanese double Olympic figure skating champion Yuzuru Hanyu.

Ito ay matapos na nagtamo siya ng ankle ligament injury.

Dahil sa nasabing injury ay umatras na siya sa paglahok sa NHK Trophy na gaganapin sa Tokyo mula Nobyembre 12-14.

Sinabi ng 26-anyos na figure skaters na labis ang kaniyang pagkadismaya dahil sa kaniyang injury.

Nais niyang makabalik agad sa paglalaro upang maidepensa ang kaniyang titulo.

Tiniyak nito na siya ay babalik sa paglalaro kapag tapos na ang kaniyang pagrehab ng injury.

Si Hanyu ang siyang naging back-to-back Olympic figure-skating titles sa mahigit ng anim na dekada noong 2018 Pyeongchang Winter Games.