Naglaan ng higit USD233-K o halos Php13-M na financial grant ang Japan para ma-revive ang silk farming tradition sa Pilipinas.
Ayon sa Japanese Embassy in Manila, isa sa mga grant contracts nito ay magsusuporta sa pag-expand ng sericulture sa mga probinsiya ng Benguet, Nueva Vizcaya, at Misamis Oriental.
Kabilang sa mga popondohan ay ang konstruksiyon ng silkworm farm at mulberry plantation gayundin ang pagpapatayo ng greenhouses at solar panel systems.
Ito ay pangangasiwaan ng Organization for Industrial, Spiritual and Culture Advancement International sa kolaborasyon ng Philippine Textile Research Institute.
Bukod pa rito, pumirma rin ng grant contract na nagkakahalaga ng higit sa Php9-M ang Japanese Embassy para makapagkaloob ng rainwater tanks at sanitary education sa rural areas ng Bohol.
Matatandaan na simula 2002 ay nagbibigay na ang Japan ng financial grant sa mga Japanese non-government organization bilang parte ng development program nito sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, nakapagpondo na sila ng 64 na proyekto na nagkakahalaga ng higit sa Php678-M.