Minaliit lamang ng gobyenro ng Japan ang napaulat na pagkabahala ng kanilang emperor na tuloy pa rin ang Tokyo Olympics sa gitna ng COVID pandemic.
Ayon sa government top spokesman, walang dapat ikabala ang Imperial Household Agency dahil magiging ligtas ang gagawing pinakamalaking sporting events sa buong mundo na magsisimula na sa July 23.
Una nang napaulat na labis umanong nangangamba si Emperor Naruhito lalo na at hati ang publiko kung dapat o hindi dapat ituloy ang Tokyo Olympics.
Una nang lumabas sa survey na 86 porsyento ng mamamayan sa Japan ay naalarma sa posibleng pagkalat pa ng virus sa panahon ng Olimpiyada.
Sa kabila nito, hindi naman nananawagan nang pagkansela sa Tokyo Games si Emperor Naruhito na siyang tumatayong honorary patron ng Olympics at paralympics.