-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Japanese football star Yuki Nagasato ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro.

Ang 37-anyos na dating Chelsea striker ay naglaro ng 132 beses para sa Japan sa loob ng 24-taon na professional career.

Dinala niya sa World Cup ang Japan noong 2011 kung saan kahit na babae ito ay gumawa siya ng kasaysayan sa paglalaro sa senior men’s team noong 2020.

Sa taong 2020 ay naglaro ito sa second-tier side na Hayabusa Eleven na naging unang babae na naglaro para sa men’s side sa kaniyang bansa.

Ang naging desisyon niya na pagsali sa laro ng mga lalaki ay dahi sa inspirasyon mula kay Megan Rapinoe na dapat magkaroon ng pantay-pantay ang trato.

Nagwagi rin ti Nagasato ng Olympic silver medal noong 2012 London Games kung saan nagtala ito ng 58 goals para sa Japan.

Magreretiro siya na nasa pangalawang puwesto na may pinakamaraming goals na sumusunod kay Homare Sawa na mayroong 83 goals.

Sa social media account nito ay inamin niyang mahirap ang naging desisyon niya na magretiro.