-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kapuri-puri umano ang mabilis na pagbibigay ng solusyon ng Japanese government sa mga pinsalang dulot ng typhoon Hagibis sa naturang bansa.

Ito ang base sa ulat ni Bombo international correspondent Nieva Gevero Nacionales, tubong San Vicente, Jamindan, Roxas City, na nakabase ngayon sa Yokohama, Japan at nagtatrabaho bilang caregiver.

Aniya, mula noong araw ng Huwebes hanggang Sabado ng gabi na0 kanilang naramdaman ang hagupit ng bagyo ngunit humina ito pagsapit ng Linggo.

Sa kabila ng mga nasirang mga gusali at establisyemento ay balik sa normal ang lahat ayon kay Nacionales dahil sa agarang aksyon ng gobyerno sa naturang bansa.

Idinagdag pa nito na napaghandaan ng lahat ang pananalasa ng bagyo dahil sa walang tigil na pagbibigay ng paalala at abiso ng gobyerno.

Aminado naman ang ginang na naramdaman nila ang pagkakaubusan ng suplay ng mga pangunahing produkto sa mga pamilihan dahil nag-panic-buying umano ang mga tao sa lugar nang mapaulat na tatama ang naturang bagyo sa kanilanmg lugar.