Pumanaw na ang Olympian Judo legend na si Toshihiko Koga sa edad 53.
Ayon sa kampo nito na binawian ito sa kaniyang bahay sa Kawasaki.
Ang three-time Olympian ay temporaryong na-ospital na noong nakaraang taon dahil sa cancer kung saan ito ay naoperahan na rin.
Kasali si Koga sa gaganaping torch relay ng Tokyo Olympics sa Mayo.
Sa unang sabak niya sa 1988 Seoul Olympics ay nabigo itong makapag-uwi ng medalya.
Pagkatapos ng apat na taon ay nakakuha ito ng gold medal sa Barcelona Olympics sa 71-kgs.
category kahit na mayroon itong iniindang injury sa kaniyang kaliwang hita.
Nakakuha naman ito ng silver medal sa 78-kg. category sa Atlanta Olympics.
Matapos ang kaniyang pagreretiro noong 2000 ay naging coach na ito ng women’s national judo team ng Japan.
Nagpapabot naman ng pakikiramay at dasal ang maraming mga opisyal ng Japan at kapwa nitong atleta sa buong mundo.