-- Advertisements --

Nagbitiw sa puwesto ang isang minister sa Japan matapos ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa pagkakaugnay nito sa isang sekta ng relihiyon.

May kaugnayan ang insidente sa pamamaril at pagpatay kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Hulyo.

Sinabi ni Daishiro Yamagiwa ang minister for economic revitalisation, na ang ginawa nito ay nagdulot ng kaguluhan sa gobyerno.

Hindi naman nito binanggit kung anong uri ito ng simbahan.

Magugunitang inakusahan kasi ng suspek na pumatay kay Abe ang Family Federation for World Peace and Unification na nagresulta sa paghihirap ng kaniyang ina kaya ginawa niya ang krimen.

Lahat aniya ng kita at pera ng ina ng suspek kasi ay ibinigay nito sa simbahan.

Sinabi naman ni Yamagiwa na labis siyang nagsisisi dahil sa pakikipagpulong niya sa mga miyembro ng nasabing organisasyon.

Tinanggap naman na ni Prime Minister Fumio Kishida ang resignation ni Yamagiwa at kaniyang iaanunsiyo ang ipapalit sa kaniya.