Pumanaw na ang kilalang Japanese music mogul na si Johnny Kitagawa sa edad 87.
Ayon sa kaniyang agency na mula pa noong Hunyo 18 ay nasa pagamutan na ito dahil sa subarachnoid hemorrhage isang uri ng stroke.
Nakilala si Kitagawa na siyang humubog sa boy band ng Japan sa loob ng mahigit 50-taon.
Hindi lamang nito nililimitahan ang paglabas ng kanta sa mga singer at sa halip ay tinutulungan pa niya ang mga ito para maipalabas sa iba’t-ibang TV shows.
Nasangkot din ito sa kontrobersya matapos na ito ay akusahan ng sexual misconduct noong 1999 na ang reklamo ay mula sa ilang mga kalalakihan na kaniyang mga alaga.
Hawak din ito ang tatlong Guinness World Records titles gaya ng most No.1 artists, most No.1 singles at most concerts produced by an individual.