-- Advertisements --
image 360

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Japanese national na wanted umano sa kanyang bansa dahil sa kasong may kaugnayan sa robbery.

Kinilala ang naturang hapon na si Takeuchi Kazuo 54 anyos.

Siya ay naaresto sa Roxas Boulevard sa bisa ng Mission order na inilabas ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Si Kazuo ay una ng natag ng Japanese Government bilang isang fugitive from Justice at siya ay target ng warrant of arrest na inilabas ng Sage Summary Court ng bansang Japan.

Inalerto ng Japanese Government ang Pilipinas matapos nilang makatanggap ng balita na nagtungo si Kazuo sa Pilipinas para takasan ang paglilitis sa kanyang kaso.

Matapos na matanggap ng Pilipinas ang naturang impormasyon ay kaagad itong nagsagawa ng manhunt operation dahilan upang maaresto ito.

Nakatakda naman mapalayas ng bansa si Kazuo at kasalukuyan itong naka ditene sa BI warden Facility sa Taguig habang piniproseso ang kanyang deportasyon.