-- Advertisements --

Suspendido si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.

Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.

Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng Japanese Olympic swim team matapos aminin ang pakikiapid.

Paglilinaw ng Japan Swimming Federation na maaari pa rin itong makasali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Nagwagi si Seto ng 400m individual medley bronze sa Rio Olympics noong 2016.

Siya ang kasalukuyang 200m at 400m individual medley world champion.