-- Advertisements --
Nabiktima ng cyber attack ang Japanese pharmaceutical firm na Shionogi&Co.
Ayon sa kumpanya na nagkaroon ng data breach at ilang impormasyon ang nakuha ng mga hackers sa Taiwanese subsidiary nila.
Paglilinaw ng kumpanya na walang nakuhang anumang data mula sa ginagawa nilang bakuna laban sa coronavirus.
Nagbanta pa umano ang attacker na magpapakalat sila ng mga impormasyon hangga’t hindi sila nababayaran ng ransom.
Inaalam na ng kumpanya ang mga pagkakakilanlan ng mga hackers.