-- Advertisements --
JAPAN pm Fumio Kishida
New Japanese PM Fumio Kishida

Hinikayat ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang magkabilang panig ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas na sumunod na tuldukan na ang umiigting na tensyon ng mga ito at sumunod sa umiiral na international law.

Ito ang naging panawagan ng opisyal kasabay ng pagpapahayag ng pagkabahala kaugnay sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa pagitan ng dalawng panig na kumitil na rin sa buhay ng libo-libong mga buhay ng mga inosenteng mga sibilyan.

Sa isang statement ay sinabi ni Kishida na kabilang ito sa kanilang mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbongg” Marcos Jr. sa kaniyang isinagawang official visit dito sa ating bansa.

Aniya, nakakabahala ang kasalukuyang sitwasyon ng mga bihag na sibilyan ng mga militanteng grupong Hamas at gayunndin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng naiipit sa naturang giyera dahilan kung bakit kiinakailangan aniyang sumunod ng mga ito sa international law upang tuluyan nang maiwasan ang ganitong uri ng sitwasyon sapagkat dapat aniyang isaalang-alang ang pagkamit ng isang matatag, at mapayapang sitwasyon sa Gaza.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kasalukuyan na lamang hinihintay ng ating mga kababayang OFW na nastranded nang dahil sa naturang gulo na mapahintulutan na lamang na makalabas sa Gaza sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah Border ngayong araw ng Sabado o di kaya’y sa mga susunod na araw sa lalong madaling panahon.