-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa mga biktima ng malakas na lindol at pagsabog sa Mindanao sa kanyang pambungad na pahayag sa bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos nitong Linggo, Disyembre 17.

Sinabi ng Japanese PM na nagdadalamhati siya sa mga biktima ng lindol at pagsabog sa Mindanao noong Disyembre 3 gayundin nagpaabot ng kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga nasugatan.

Kung matatandaan, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur na ikinasawi ng 3 katao.

Naganap naman ang malagim na pagsabog sa Mindanao State University noong unang bahagi ng buwan ng Disyembre na ikinasawi ng 4 na katao at ikinasugat ng 72 indibidwal. – EVERLY RICO