-- Advertisements --

Planong bumisita sa bnasa si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa susunod na buwan.

Ayon sa Japanese government na bukod sa Pilipinas ay magtutungo din ito sa Vietnam.

Nais ni Ishiba na mapalakas ang security cooperation nila sa dalawang Southeast Asian countries para makontra ang agresibong galaw ng China sa West Philippine Sea.

Mula pa noon ay sinusuportahan ng Japan ang Pilipinas kung saan nagbibigay ito ng mga kagamitan laban sa pagdepensa at ganun ang mga malalaking patrol ship.

Una ng binisita ni Isihiba ang Malaysia at Indonesia nitong buwan ng Enero.