Nagbigay ng courtesy visit si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Philippine Coast Guard (PCG) National Headquarters sa Maynila.
Sa pagbisita, sumakay si Kishida sa BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) na isa sa dalawang 97-meter multi-role response vessel ng PCG na itinayo sa Japan.
Kasama ni Kishida sina Transportation Secretary Jaime Bautista at Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.
Ang Prime Minister ng Japan ay winelcome rin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Kinilala ni Gavan ang Japan bilang isa sa pinaka mapagbigay at matatag na partner ng PCG, partikular sa pag-upgrade ng mga kapabilidad nito at pagkamit ng modernisasyon.
Sinabi ng PCG na mula nang italaga ito sa serbisyo ng Coast Guard noong Mayo 2022, ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ay naging aktibo sa pagsasagawa ng maritime security at maritime safety operations sa mga exclusive economic zone ng Pilipinas.
Pinoprotektahan din nito ang mga mangingisdang Pilipino na nagtataguyod ng mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) at nagsasagawa ng mga search and rescue mission, humanitarian assistance, at disaster response efforts.
Dati, nag-courtesy visit din si Japan Coast Guard (JCG) Commandant Admiral Shohei Ishii kay PCG Commandant Gavan sa National Headquarters.
Parehong tinalakay ng dalawang opisyal ang kasalukuyang sitwasyon ng regional maritime security at muling pinagtibay ang partnership ng PCG-JCG sa capability development at personnel exchange.