-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ito ay bababa sa puwesto sa susunod na buwan at hindi na tatakbo muli bilang lider ng ruling Liberal Democratic Party.
Kasunod ito ng mga iskandalo sa pulitika na nagdulot sa pagtawag sa kaniya ng magbitiw sa puwesto.
Dagdag pa nito na mahalaga na ipresenta ang LDP bilang “changed party”.
Giit nito na isang mabigat na desisyon ang nasabing pagbaba sa puwesto pero mahalaga ang pagkakaroon ng pagbabago sa reporma ng pulitika.
Maguguntang inakusahan ang ilang miyembro ng LDP dahil sa bigong pagdeklara ng kanilang income at gastusin at pagkuha ng mga kickbacks.