-- Advertisements --
Ikokonsulta muna sa mga eksperto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung papalawigin pa ang national state of emergency ng hannggang Mayo 31.
Nakatakdang talakayin ang karagdagang hakbang kung paano mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus sa kanilang bansa.
Nakatakda kasing magtapos ang kasalukuyang state of emergency sa Miyerkules.
Magugunitang mayroon ng mahigit 15,000 na ang nadapuan at mahigit 500 na ang nasawi matapos dapuan ng virus.