-- Advertisements --
Personal na iimbitahan ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga si US President Joe Biden para manood ng Tokyo Olympics.
Gagawin aniya nito ang pag-imbita sa gagawing pagbisita niya sa White House sa susunod na buwan.
Bukod kay Biden ay nais din ni Suga na makausap si North Korean lider Kim Jong Un at makipagpulong sa kapatid niyang babae na si Kim Yo Jong at imbitahan ang dalawa na manood ng Olympics.
Magsisimula ang Olympics sa July 23 matapos na ito ay ipinagpaliban noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.