-- Advertisements --
Nakatakda nang bumaba sa puwesto si Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa nararanasan nitong problema sa kanyang kalusugan.
Batay sa ulat ng local media, nais na raw magbitiw sa tungkulin ni Abe bunsod ng lumalalang lagay ng kanyang kalusugan, at nangangamba ito na maging ugat pa raw ito ng iba pang mga problema.
Kamakailan nang maging sentro ng mga ispekulasyon ang kalusugan ni Abe buhat nang sumailalim ito sa pagsusuri sa Keio University Hospital sa Tokyo noong Agosto 14, at kalaunan ay bumalik para sa follow-up exam nitong Lunes.
Ang nasabing mga development ay kasunod ng mga ulat na nanghina raw si Abe mula noong Hulyo at lumala pa ngayong buwan.
Noong 2007 nang biglaan ding mag-resign si Abe dahil din sa kanyang kalusugan.