-- Advertisements --
Nakatakdang bumaba sa kaniyang puwesto si Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.
Kasunod ito sa kaniyang anunsiyo na hindi na siya muling tatakbo bilang party leader ngayong buwan.
Ang anunsiyo ay isinagawa matapos na bumagsak ang kaniyang approval ratings.
Kasalukuyang nasa state of emergency kasi ang Japan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inirereklamo kasi ng mga mamamayan ang mabagal na pagbabakuna laban sa COVID-19 ng kanilang gobyerno.
Magsasagawa naman ng halalan sa darating na Setyembre 29 ang ruling party na Liberal Democratic Party (LDP) kung saan chairman si Suga.