-- Advertisements --
Nakalapag na sa isang asteriod ang Japanese spacecraft na Hayabusa-2.
Layon nito ay makakulekta ng mga bato at ilang bagay para malaman kung saan nagmula ang Solar System.
Nagsigawan ang mga nasa Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) ng tuluyan ng makalapag sa Ryugu asteriod ang Hayabusa-2.
Ang Ryugu ay mula sa isang uri ng primitive space rock na may edad na mahigit 4.5 billion na taon.
Mula pa noong 2014 ng magsimula ang space mission ng Hayabusa-2 ng ilunsad ito sa space port ng Japan na Tanegashima.