-- Advertisements --

Nagpapatuloy ang masinsinang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng Japanese actor na si Haruma Miura nitong Sabado.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan na lamang umanong walang buhay ang 30-anyos na si Miura sa kanilang tahanan sa Tokyo.

Bagama’t naisugod pa ito sa ospital, hindi na ito umabot pa nang buhay.

Naniniwala ang pulisya na posibleng nagpakamatay ang aktor dahil sa umano’y suicide note na natagpuan sa bahay nito.

Nakilala si Miura dahil sa kanyang mga karakter na ginampanan sa mga television dramas sa Japan na “Bloody Monday,” “Last Cinderella” at ang “Gokusen” series.