-- Advertisements --

Nasugatan ang tatlong crew ng Japanese submarine matapos na ito ay bumangga sa isang commercial ship sa Pacific coast.

Nakatakda sanang umahon na ang submarine ng hindi nito nakita ang isang pampasaherong barko.

Dahil sa insidente ay nagtamo ang Soryu submarine ng damyos.

Labis na naapektuhan ng aksidente ay ang antenna nito at ang mga communication equipment.

Sinabi ni Japanese defence minister Nabou Kishi na nasa training exercise ang nasabing submarine sa Kochi prefecture.

Ang diesel-electric submarine ay gamit ng Japan mula pa noong 2009 kung saan mayroong habang 275 talampakan.