-- Advertisements --
Pumanaw na ang 28-anyos na sumo wrestler sa Japan matapos dapuan coronavirus.
Kinumpirma ng Japan Sumo Association ang pagkasawi ni Shobushi o Kiyotaka Suetake sa tunay na buhay.
Naging professional wrestler ng Japan si Shobushi noong 2007.
Noong Abril 4 ng magkaroon ng sintomas ng coronavirus ang wrerstler kung saan tinanggihan ito ng maraming mga pagamutan.
Noong Abril 8 lamang ito na-admit sa pagamutan.
Inilipat ito sa Intensive Care Unit noong Abril 19 dahil sa multiple organ failure.
Ayon sa Japan Sumo Association na mahigit isang buwan itong lumaban sa sakit.