-- Advertisements --
Amanda Anisimova
Amanda Anisimova sa

Natapos na ang kampanya sa Australian Open ni Japanese tennis star Naomi Osaka.

Ito ay matapos talunin siya ni American unseeded player Amanda Anisimova sa third round ng torneo na ginanap sa Margaret Court Arena.

Nakuha ng four-time Grand Slam champion ang panalo sa unang set subalit mabilis na nakabangon ang American tennis player dinala ang laro sa malaking upset sa score na 4-6, 6-3,7-6(10/5).

Maituturing kasi na ito ang pagbabalik sa Grand Slam tennis game ni Osaka matapos ang matagal na break nito ng matalo siya sa ikatlong round ng US Open.

Wala namang sama ng loob si Osaka sa pagkatalo at sinabing hindi naman siya Diyos kaya natatalo rin siya sa mga laro.