-- Advertisements --

Desidido pa rin si Japanese tennis star Kei Nishikori na hindi sumali sa US Open ngayong taon.

Ito ay kahit nagnegatibo na sa COVID-19.

Ayon sa 2014 U.S. Open runner-up, labis ang kasiyahan nito ngayon dahil matapos ang dalawang positive results ng kaniyang test ay lumabas sa pangatlong pagkakataon ng COVID-19 test na negatibo na ito.

Unang nagpositibo ang 30-anyos na Japanese tennis palyer noong nakaraang Linggo at nagkaroon ng minimal sintomas sa pangalawang testing.

Nakatakdang magsimula ang nasabing US Open sa New York sa unang linggo ng Setyembre.