-- Advertisements --
Naomi Osaka
Naomi Osaka/ IG post

Balik sa pagiging numero uno sa Womens Tennis Association (WTA) ranking si Japanese tennis star Naomi Osaka.

Ito ay kahit na tinalo siya ni Serena Williams sa quareterfinals ng katatapos na Rogers Cup noong nakaraang Linggo.

Nakinabang kasi ang 21-anyos na si Osaka sa pagkatalo ng dating world number one na si Ashleigh Barty sa second round ng torneo at ang bigong pagpasok sa semifinals sa Toronto ni Karolina Pliskova.

Noong Enero ay nanguna si Osaka sa listahan matapos ang back-to-back win niya sa New York at Melbourne na siyang kauna-unahang Japanese na makamit ang nasabing puwesto.

Pumangalawa naman si Barty at pangatlo si Pliskova.

Nasa pang-walong puwesto naman si Williams habang nasa top ten naman si Sloane Stephens.