-- Advertisements --
Kinilala ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon.
Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental health.
Nasa pangalawang puwesto naman si tennis player Serena Williams na mayroong $45.9 milyon na yaman na sinundan ng kaniyang kapatid na si Venus na mayroong $11.3-M habang pang-apat naman sa listahan si American gymnast Simone Biles at pang-lima si Spanish tennis player Garbine Muguruza na may k ita $8.8-M.