-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya sa Olympics ni Japanese tennis star Naomi Osaka.

Ito ay matapos talunin siya ni Marketa Vondrousova ng Czech Republic.

Nakuha ng pambato Czech ang score na 6-1, 6-4.
Sinabi ni Osaka na na-pressure lamang siya at masyadong matagal ang bakasyon nito kaya hindi gumanda ang ipinamalas na laro.

Magugunitang kinuha ang 23-anyos na si Osaka na siyang magsisindi ng Olympic cauldron sa opening ceremony ng torneo.