-- Advertisements --

Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban kontra sa social injustice.

Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga kapulisan.

https://www.instagram.com/p/CElcRPspf8a/

Isa lamang aniya ito sa pitong face masks na kaniyang isusuot kada laro.

Ang nasabing bilang ang siya ring lalaruin bago makuha ang Grand Slam trophy.

Sinabi nito na sa nasabing paraan ay nais niyang iparating na dapat ay mabuksan ang kamalayan ng lahat sa racial injustice.

Unang tinalo ng number 4-seeded player na si Osaka si Misaki Doi sa score na 6-2, 5-7, 6-2 sa all-Japanese matchup sa empty Arthur Ashe Stadium.

Si Osaka ay 2018 US Open at 2019 Australian Open champion.