-- Advertisements --
Aminado si Japanese tennis star Naomi Osaka na hindi siya nakakatiyak na matutuloy ang Tokyo Olympic dahil sa patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Kasama nito ang kapwa Japanese tennis star na si Kei Nishikori na nagdududa sa pagtuloy ng torneo.
Sinabi ni Osaka na bilang atleta ay gustong-gusto niya ang makibahagi sa Olympics subalit isa lamang siyang tao na nangangamba rin sa kaniyang kalusugan.
Magugunitang nasa mahigit 200,000 na ang pumirma sa online petition na nananawagan ng pagpaliban ng Tokyo Olympics.